Bagyong Odette lalabas na ng PAR ngayong araw

Inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Odette ngayong araw.

Ayon sa PAGASA huling namataan ang bagyo 240 km West Northwest ng Puerto Princesa City, Palawan.

Patuloy itong kumikilos pa Northwestward sa bilis na 15 kph taglay ang lakas ng hangin pumapalo sa 150 kph malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 185 kph.

Sa ngayon nanatili sa signal no. 3 ang Kalayaan Islands, signal no. 2 naman sa central portion of Palawan habang umiiral ang signal no. 1 sa nalalabing bahagi ng probinsiya.

Inaasahang hihina ang bagyong Odette sa mga susunod na oras dahil sa lumalakas na vertical wind shear at ang surge ng Northeast monsoon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *