Bagyong Paeng at Undas pinagpulungan na ng PDRRMC Camarines Sur

NAGA CITY- Nagpulong na ang Provincial Risk Reduction and Management Council sa Camarines Sur ukol sa Low Pressure Area na papangalangang Paeng kapag naging bagyo at pati na rin Undas.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Presentacion MDRRM Officer Regina Bea, sinabi nitong matapos ang pagpupulong ang RDRRMC, tinalakay narin nila sa PDRRMC kahapon ang mga nararapat gawin lalo na’t inaasahan na mararamdaman ang epekto ng bagyo sa Undas.

Mayroong mga sementeryong binabaha o di kaya ay ang mga daanan patungo sa himlayan na binabaha.

Samantala sa naturang bayan umaabot sa isang libong mga households ang kosideradong  very high susceptible to hazard o nasa napaka delikadong lugar.

Pupulungin din ng MDRRM Office ang mga BDRRMs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *