Bagyong ‘Paeng’ palayo na ng PAR, bagyong ‘Queenie’ magpapaulan sa Caraga at Davao

Patuloy ang paglayo ng bagyong Paeng sa Philippine Area of Responsibility.

Huli itong namataan sa 545 km kanluran ng Calayan, Cagayan sa labas ng PAR taglay ang hangin papalo sa 110 km/h malapit sa gitna at may pagbusong aabot sa 135 KM/H.

Ang Bataan, Zambales, Palawan, Occidental Mindoro at Kanlurang Visayas ay makakaranas pa rin ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa sa trough ng dating bagyong Paeng.

Samantala unti-unti na nang nararamdaman ang bagyong Queenie Caraga at Davao Region.

Ang naturang mga lugar ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa trough ng TS QUEENIE.

Huli itong namataan sa 430 km East Southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur at patuloy ang paggalaw pakanluran sa bilis na 20 km/h.

Taglay nito ang lakas ng hangin aabot sa 65 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 km/h.

Ang Tropical Storm QUEENIE ay tinatayang tatawid pa- kanluran hilagang-kanluran hanggang hilagang-kanluran ngayon araw bago lumiko sa hilaga hilagang-kanluran bukas habang nasa dagat ng silangan ng Caraga-Davao Region area.

Maaari itong humina sa isang tropikal depression at tuluyang maging low pressure area na lamang bukas o sa Huwebes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *