Bagyong #RosalPH, inaasahang lalakas pa

Mataas ang tiyansa na lalo pang lumakas ang Tropical Depression #RosalPH.

Sa 05:00PM Bulletin ng PAGASA, napanatili ng bagyo ang lakas ng hangin na papalo ng 45 kilometro kada oras; at bugsong aabot ng 55 kilometro kada oras.

Huli itong namataan sa layong 285 kilometro silangan ng Infanta, Quezon.

Sa forecast – maaari itong mag-develop bilang isang ganap na tropical storm sa habang binabaybay ang silangang karagatan ng Pilipinas.

Sa kabila niyan, maaaring humina ang bagyo sa Lunes at malusaw na sa Martes.

Sa ngayon, nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa northern Portion ng Catanduanes (Pandan, Gigmoto, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Caramoran).

Asahan nang magpapaulan ang Bagyong Rosal ngayong araw sa bahagi ng Bicol Region, Quezon, MIMAROPA Western Visayas, Aurora, at nalalabing bahagi ng CALABARZON at Visayas.

Bukas, araw ng Linggo ay magpapaulan din ang bagyo sa bahagi ng Bicol Region, MIMAROPA, Western Visayas at sa Quezon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *