Bahay Kubo competition, planong ibalik sa Alunan Avenue

KORONADAL CITY- PLANO ng provincial government ng South Cotabato na ibalik sa Alunan Avenue ang Bahay Kubo Competition ngayong taon.

Isa ang Bahay Kubo sa mga dinadagsa ng mga turista at mga bisita tuwing T’nalak Festival kung saan tampok ang mga local products, kultura at tourist destinations ng 10 mga bayan at isang lungsod sa lalawigan.

Ayon kay Provincial Information Officer at Festival Director Rudy Jimenea na nakikipag-ugnayan na sila sa City Government ng Koronadal upang ibalik ang Bahay Kubo sa Alunan Avenue na magsisimula sa Protech Center hanggang sa harapan ng tanggapan ng Department of Public Works and Highways o DPWH.

Sa pamamagitan nito, mas mapapalawak pa ang espasyo ng mga lalahok na LGU sa pagpapaganda ng kanilang mga kubo.

Noong nakaraang taon, ang Bahay Kubo competition ay isinagawa sa Rizal Park.

Pinasiguro naman ni Jimenea na maglalagay ang provincial government ng harang bilang proteksyon sa sidewalk beautification ng city government sa kahabaan ng Alunan Avenue.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *