Bahay na gawa sa light materials nilamon ng apoy dahil sa naiwanang lampara; BFP may paalala sa publiko sa gitna ng nararanasang matinding init ng panahon

CAMARINES NORTE- Natupok ng apoy  ang isang bahay na gawa sa light materials makaraang sumiklab ang sunog dahil umano sa naiwanang lampara.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Station pagmamay- ari ang bahay ng isang nangangalang Sonny Parica ng Purok 4, Barangay Laniton sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Tumagal ng  tatlumpung minuto ang sunog na umabot sa first alarm.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay SFO3 Ronaldo Paño, OIC Municipal Fire Marshal ng Basud Fire Station,  sinabi nito na nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon sa pangyayari.

Kaugnay naman nito ay nagpaalala si Paño sa publiko upang maiwasan ang sunog lalo na ngayong mainit ang panahon na inaasahang titindi pa bunsod ng El Niño.

Paliwanag ng opisyal na karamihan sa mga nagyayaring sunog ngayon sa lalawigan ng Camarines Norte ay sa mga residential.

Kaya naman mahalaga upang alam ng mga tao ang gagawing pag iingat upang maiawasan ang sunog.

Ngayong tag init kung saan mas mataas ang gamit ng mga appliances tulad ng aircon at electric fan, mahalaga umanong laging siguruhin na naka- unplug ang mga ito kung hindi ginagamit at kung aalis ng bahay.

Kadalasan din umanong nagsisimula ang sunog sa kusina dahil sa LPG.

Kaya naman mahalaga aniya na siguruhin na malinis ito maging ang mga burner.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *