Bahay ng Porter ni-raid: baril at granada nasamsam

SORSOGON CITY – Arestado ang isang Kargador matapos na makuhaan ito ng baril at granada sa ikinasang raid ng mga awtoridad sa bahay nito sa Purok Sampaguita sa bayan ng Castilla, Sorsogon.

Kinilala ang suspek na si Marcelo Santonia Dela Cruz, 37-anyos naninirahan sa nasabing lugar.

Bitbit ang Search Warrant sa kasong paglabag sa RA 10591, nasamsam sa isinagawang paghalughog ng pinagsanib na puwersa ng Castilla Police, SAF ng 92SAC 9SAB, PIU ng SPPO at ng 1st PMFC ang isang kalibre 38 na revolver na kargado ng tatlong bala at isang hand grenade.

Sa pahayag sa Brigada News ng hepe ng Castilla Police na si PMaj Jeronie Fartingca, sinabi nito na ang suspek ay dati umanong ‘bata’ o tauhan ng isang aktibong Colonel. Hindi naman nilinaw pa ng nasabing opisyal kung ito ay Police Colonel o Army Colonel.

Matapos magpositibo ang operasyon ay agad na inaresto ang suspek habang ang mga nasamsam ay dinala sa presinto para magamit na ebidensya sa kaukulang kasong isasampa dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *