Local News

Bahay sa Legazpi City, ninakawan ng hindi nakilalang suspek

LEGAZPI CITY – Isang bahay ang pinasok at ninakawan ng hindi nakilalang suspek sa P-1, Doña Paz, Brgy. Cruzada, lungsod ng Legazpi.

Ang nabanggit na bahay na pinagnakawan ay pagmamay-ari ni Genny Bejo Belen, 37 anyos at residente ng Purok1, Brgy. San Jose, Mallipot, Albay.

Ayon sa ulat, 8:15 ng umaga nang magtungo sa Legazpi City PNP ang isang taong nagngangalang Rosenda Menlano Floren upang humingi ng tulong at i-report ang insidente ng pagnanakaw sa biktima.

Agad namang nagtungo ang duty investigators sa lugar upang magsagawa ng imbestigasyon at ocular inspection.

Sa inisyal na imbestigasyon, natutulog ang biktima sa loob ng kanyang kwarto nang magising ito sa oras na 5:00 ng umaga at natuklasang nawawala na ang ibang mga gamit tulad ng mga cellphone.

Nakapasok umano ang hindi pa nakikilalang suspek sa pamamagitan ng pagputol sa screen ng bintana, inabot ang lock ng pinto at binuksan ito dahilan upang tuluyang makapasok sa loob ng bahay.

Tinangay mula sa loob ng bahay ang tatlong cellphone na aabot sa P50,000 ang halaga lahat-lahat at isang P100 bill.

Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng kapulisan para sa pagkakakilanlan sa suspek at mabawi ang mga gamit.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

21 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

21 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

21 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

22 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

22 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

22 hours ago