Bahay sa nasunog matapos tamaan ng kidlat sa Camarines Sur

NAGA CITY – Natupok ng apoy ang isang bahay sa Sitio Contod, Barangay Patong Pamplona Camarines Sur, matapos na tamaan ng kidlat ang solar panel nito kahapon.

Masuwerteng wala sa bahay ang may-ari nito na si Geronimo Panteriore kaya nakaligtas sa talim ng kidlat na tumama sa kanyang bahay.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay SFO1 Marites Mañago ng Bureau of Fire Protection – Pamplona, napag-alaman na ang bahay ay gawa sa light materials kaya madali itong kinain ng apoy.  Bukod sa solar panel, ang bahay ay nasa open space.

Malayo sa karatigbahay ang lugar kaya hindi na nagawang maapula ang apoy na kung saan naglakad pa sa pilapil sina Mañago makarating lamang sa nasunog na bahay.

Tinatayang nasa mahigit siyam na libong piso ang halaga ng pinsala.

Leave a Reply

Your email address will not be published.