Baka na suspek sa pagkasira ng tanim sa Roxas, nahuli na! 

Nahuli na ng mga tanod ang isang pagala-galang baka sa Barangay 4 sa Roxas Palawan.

Ayon sa kagawad ng Barangay, nahuli ang baka sa isang private compound kung saan ito nanira ng mga pananim at mga bakod.

Kahapon ng kumpirmahin sa Brigada ng opisyal ng barangay na naibalik na rin sa may-ari ang nahuli ang hayop.

Nangako naman umano ang may-ari nito na aayusin na lang ang idinulot na perwisyo ng kanyang alaga.

Samantala, patuloy na nananawagan ang mga opisyal na maging responsable ang mga nag-aalaga ng hayop.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *