Human Interest

Baka sa Bangladesh, pang world record dahil sa sobrang liit

Usap-usapan ngayon sa Bangladesh ang bakang si Rani dahil sa napakaliit na sukat nito.

Ang nasabing baka ay pinapastol sa isang farm sa Ashulia, Savar at mayroon lamang taas na 20 pulgada at may timbang na 26 na kilo.

Isa itong ‘Boxer Bhutti’ breed at ngayon ay nasa dalawang taon na. Ayon sa isang local veterinarian, sadyang napakaliit na lahi ang ‘Boxer Bhutti’ breed.

Maayos ang lagay ng kalusugan ni Rani at base sa edad nito, hindi na umano tatangkad o tataas pa ang timbang ng baka kung kaya maaaring makua nito ang record bilang bagong smallest cow in the world.

Nagsumite na ng aplikasyon ang may-ari nitong Shikar Agro Limited sa Guinness upang mapabilang ang baka sa world record at nasa proseso ito ngayon ng review.

Kasalukuyang hawak ng anim na taong gulang na bakang si Manikyam mula sa India ang Guinness record kung saan may taas itong mahigit 24 na pulgada at tumitimbang ng 44 na kilo.### || Shiela Madrigalejos

BNFM Bicol

Recent Posts

Construction worker, timbog sa buy-bust ops sa Tabaco City; P2.8M na halaga ng shabu, nasamsam

LEGAZPI CITY - Aabot sa P2.8M na halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng…

10 mins ago

Awra Briguela, humingi ng tawad sa mga taong naapektuhan sa insidenteng kinasangkutan niya

Naglabas ng open letter ang dating child star na si Awra Briguela hinggil sa mga…

14 mins ago

Pag-angkat ng asukal, inirekomenda ng PSAC-ASG kay Pangulong Marcos

Ginanap kahapon ang ika-6th meeting sa Palasyo ng Malacañang ng Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector…

17 mins ago

Problemang nakita ng COA sa ₱50-million evacuation facility in Naga City, patapos nang ayusin- LGU

NAGA CITY- May leak ang palikuran, madulas ang sahig at may problema sa roofing. Ilan…

48 mins ago

Villarosa maga-file sang MR sa suspension order sini.

Wala pa nabaton sang kampo ni Tangub Punong Barangay Noli Villarosa ang kopya sang suspension…

1 hour ago

Ayuda para sa mga apektado ng El Niño Phenomenon, pinoproseso na- CSWDO

NAGA CITY –Makakatanggap ng kaunting ayuda mula sa Department of Social Welfare and  Development ang…

1 hour ago