Bakuna sa monkeypox nagkakaubusan na, suplay hanggang next week na lang

Pinangangambahang maubos ang monkeypox vaccine ng Britanya sa susunod na dalawa hanggang tatlong linggo.

Ito ay matapos maitala na meron na lamang mahigit sa 8,300 doses ng bakuna ang natitira .

Ayon sa report ng National Health Service, inaasahang sa huling bahagi pa ng Setyembre ang shipment ng bagong 100,000 doses.

Una nang inihayag ng UK Security Agency na mayroong mga early signs na magpa-plateau na ang monkeypox outbreak sa kanilang bansa .

Matatandaan na ang biglaang global outbreak ng monkeypox ang nagdulot ng upsurge ng demand sa limitadong stock ng gamot sa buong mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.