Local News

Balay Silangan sa mga LGU hindi nasayang kahit hindi na halos nagagamit ngayon

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi nasayang ang mga itinatag na Balay Silangan sa mga Local Government Unit kahit hindi na ito ngayon nagagamit.

Paliwanag ni DILG Provincial Director Melody Relucio, hindi lang naman para sa drug clearing ang Balay Silangan, at kaya hindi ito nagagamit ngayon ay dahil walang nag- volunteer na ipasok bilang rehabilitation center o pwede rin namang walang mga apprehension.

Gayunman maaari pa naman umanong magamit ang facility kung kakailanganin at alam naman ng mga LGU kung paano ito gamitin at pakilusin ang mga agency at departments sa loob nito na may kinalaman sa operasyon nito.

Mayroon din dapat umano itong pondo dahil “established” ang pasilidad.

Ang pamamahala sa Balay Silangan ay nasa ilalim ng Office of the Mayor o kaya naman ay sa  Municipal Social Welfare and Development (MSWDO).

Mababatid na itinayo ang mga Balay Silangan sa iba’t- ibang LGU noong kasagsagan ng war on drugs ng Duterte administration.

Layon ng pagkakaroon nito na tulungan ang mga drug pusher sa kanilang pagbabagong buhay kasabay ng Barangay Base Rehabilitation Program para naman sa mga lulong sa pagamit ng illegal na droga.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

20 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

20 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

20 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

20 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

20 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

20 hours ago