Balikatan Exercises 2023, all set na!

Nasa Pilipinas na ang military aircraft mula sa United States at Australia, ilang araw bago ang pagsisimula ng Balikatan exercise ngayong linggo.

Ang Balikatan ngayong taon na nakatuon sa maritime defense, coastal defense, at maritime domain awareness, ay isasagawa mula April 11 hanggang 28 sa iba’t-ibang lugar sa bansa, kabila na sa Palawan, Antique, at ibang bahagi ng Northern Luzon.

Ayon sa Philippine Air Force (PAF), na unang dumating ang One US military plane, na isang C130J, at lumapag sa Antonio Bautista Air Base sa Puerto Princesa, Palawan noong April 6 at sinundan ng Australian aircraft, na isa namang C-17, noong April 7.

Dala ng mga ito ang mga supplies, equipment, at personnel bilang suporta sa Balikatan exercises ngayong taon.

Mababatid na nasa 17,600 mga tropa ang inaasahan makikilahok sa Balikatan ngayong taon, na pinakamalaking annual Philippine-led bilateral exercise ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasama ang US Armed Forces, kung saan 12,000 sa mga ito ay magmumula sa United States, habang ang iba ay tropa ng Pilipinas na.

Maliban dito, may 111-person contingent mula sa Australian Defense Force ang makikiisa rin sa military exercises.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *