Tinawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ‘honest mistake’ ang maling pag-posisyon sa watawat ng Pilipinas sa bilateral meeting ni Pangulong Bongbong Marcos kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa ASEAN Summit sa Jakarta.

Ito’y matapos makita ang na ang pulang bahagi ng watawat ay nasa itaas, habang ang asul naman ang nasa ibaba, na ginagamit lamang kapag ang bansa ay nasa digmaan.
Ayon kay DFA Undersecretary Ma. Theresa Lazaro, hindi raw ito sinasadaya at walang kinalaman sa kanilang mga opisyal na protocol.
Biro pa ni Lazaro, ang laban lang raw sa pagitan ng dalawang bansa ay ang mga makukulay na medyas nila Marcos at Trudeau, na matatandaang ginawa na rin ng dalawa sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit noong November 2022.