Local News

Bamboo-framed face shield sa Bula, Camarines sur, suportado ng DOST Bicol

NAGA CITY—Nagpahayag ng suporta ang Department of Science and Technology o DOST Bicol sa local manufacturer ng face shields na gawa sa kauayan-tinik.

Ang Bula Masarig Engineered Bamboo ay isa sa mga nangungunang producer ng bamboo-made products sa Camarines Sur ay nakalikha ng face shields na may frame na yari sa kauyan-tinik.

Nangako naman ang Forest Products Research and Development Institute o DOST-FPRDI, na magbibigay sila ng technical designs, requirements, specifications at technical assistance sa Bula Masarig sa tulong ng Provincial Science and Technology Center Camarines Sur sa ilalim ng GREAT Women Project implementation.

Hinikayat naman ng Kagawaran ang publiko na tangkilikin ang locally made product na face shield dahil sa magaan at madali itong gamiton  na may linear length na aabot lamang sa 18 inches na may replaceable PVC sheet at non-slip adjustable strap.

Magugunita na una nang nakagawa ang Bula Masarig ng environment-friendly foot-pressed bamboo alcohol dispenser prototype.

BNFM Naga

Recent Posts

Cebu City Mayor Michael gipahamtangan og 6 ka buwan nga preventive suspension

Gipahamtangan og 6 ka buwan nga preventive suspension si Cebu City Mayor Michael Rama sa…

19 mins ago

19-anyos nga misuway og layat sa Marcelo Fernan Bridge, na rescue

Nasalbar ang 19-anyos nga lalaki nga padung untang molayat kaganihang buntag sa Marcelo Fernan Bridge…

1 hour ago

Lalaki nga bag-ong laya sa bilanggoan, gipusil-patay

Patay diha dayon ang usa ka lalaki  nga kapin lang sa semana nga nakagawas sa…

2 hours ago

Security plan sa Kaadlawan sang Roxas, plastado na

Plastado na ang igapatuman nga security plan kag traffic scheme nga ginhikutar sang Roxas City…

2 hours ago

Relokasyon, sigaw ng mga residente na apektado ng konstruksyon ng Sorsogon Coliseum

Humihiling ang mga residente ng Capitol Compound na naapektohan ng konstruksyon ng Sorsogon Coliseum na…

2 hours ago

Lolo sang napatay nga menor, indi mabaton ang natabo sa iya apo

Indi sa gihapon mabaton sang pamilya ni "Dodong" ilabi na ang iya nga lolo nga…

2 hours ago