Hindi na makababalik sa lalawigan ng Sorsogon ang bandang Kamikazee, ito ang binigyang diin ni Sorsogon Governor Edwin ‘Boboy’ Hamor.
Bagama’t walang idinetalyeng dahilan pa ang Gobernador, ngunit sa mismong gabi ng konsiyerto ay inihayag nito na patuloy niyang pinagsisikapan na i-angat at itaas ang dignidad ng mga Sorsoganon at hindi siya makakapayag na bastusin lamang.
Agad namang ipinahatid ng Gobernador ang banda sa Legazpi Airport upang duon na magpa-umaga.
Humingi rin ng paumanhin ang opisyal sa mga nanuod at nag-abang sa nasabing banda sa gabi mismon ng konsiyerto.
Mababatid na ang nasabing konsiyerto na ginanap kagabi, Oktubre 1, sa bayan ng Casiguran ay bahagi ng Casiguran Town Fiesta celebration at ng papalapit na Kasanggayahan Festival kung saan ang mga bandang ‘Imago’ at ‘I belong to the Zoo’ lamang ang pinayagang magtanghal.
