Bangkay ng isang babae, natagpuan sa isang ilog sa bayan ng Vinzons

CAMARINES NORTE- Wala ng buhay ng matagpuan ang isang babae sa isang ilog nitong Setyembre 11, 2021 dakong 12:20 ng tanghali sa Sitio Minaogan, Brgy.Calangcawan Norte, Vinzons, Camarines Norte.

Ang biktima ay nakilalang si EULENIA PANDAPATAN y Zenarosa aka “Yagang”, 70 anyos at residente ng Bagong Lipunan, Brgy 1 Poblacion ng nabanggit na bayan

Sa ulat ng pulisya, sa nabanggit na oras, araw at lugar, diumano ay nakita ng isang residente ng Brgy. Banocboc, Vinzons, ang bangkay ng nasabing biktima na nakalutang sa ilog at pinaniniwalaang ito ay nalunod.

Si EULENIA ay huling namataang naglalakad sa isang konkretong tulay ng Brgy. 1, Poblacion, Vinzons, Camarines Norte ng isa ring residente dakong 10:00 ng umaga ng Setyembre 11, 2021 at pinaniniwalaang ito ay nahulog sa nasabing tulay.

Base sa ginawang inisyal na imbestigasyon ng Vinzons MPS, wala namang indikasyon nang foul play ang nasabing insidente.

Agad na kinuha ng mga tauhan ng Vinzons MPS at Philippine Coast Guard Vinzons Sub-Station ang labi ng biktima upang isailalim sa autopsy at iturn over sa kanyang pamilya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *