National

Bangkay ng isang college student, natagpuan sa Cavite

Natagpuan kahapon ang bangkay ng isang college student sa isang bakanteng lote sa Cavite.

Unang naiulat sa pulisya ang pagkawala ng 24-anyos na si  John Matthew Salilig, isang chemical engineering student mula Adamson University noong February 19.

Halos mahigit ng isang linggo itong nawawala bago natagpuan ang bangkay nito.

Huli itong nakitang buhay ang biktima noong February 18 sa isang bus terminal sa Buendia, Manila, dakong alas-10:26 ng umaga.

Nakita pa siya sa CCTV sa terminal na kasama ang iba pang miyembro ng fraternity. Nakasuot pa ito ng uniporme ng Adamson University. Samantala, Sa isang pahayag kahapon , kinumpirma ng Adamson University ang pagpanaw ng isang estudyanteng naiulat na nawawala, bagaman hindi na ito pinangalan.

Inihayag ng Adamson na nagsasagawa ito ng sariling imbestigasyon sa insidente at tiniyak na makikipag-ugnayan sa mga awtoridad kaugnay sa kaso.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

Tubig, naging problema ng mga atleta ng Naga City sa unang araw ng Palarong Bicol sa Legaspi City

NAGA CITY – Naging problema din ng mga atleta ng Naga City na kalahok sa…

43 mins ago

MANIBELA – papasada pa rin sa kabila ng pagtatapos ng franchise consolidation

Idiniin ng grupong MANIBELA na kahit na paso na ang deadline para sa franchise consolidation…

44 mins ago

Inahang nanginabuhi og pagpayuhot og ilegal nga drugas, nasikop sa kapulisan

Nasakmitan og di mominus 10 ka gramos nga gituohang shabu ang usa ka inahan atol…

55 mins ago

Pagtatapos ng SY 2024-2025 sa Marso – inirekumenda ng DepEd

Dahil sa umano'y 'clamor' ng mga panawagan sa panunumbalik ng lumang school calendar - inirekumenda…

1 hour ago

Ilang senador, may resibo sa pagtalakay sa multi-level marketing scheme

Pinaalalahanan ni Senate Committee on Health, Chairperson, Senador Christopher "Bong" Go sa naganap na pagdinig…

1 hour ago

Ilang LGUs sa Metro Manila, handa na sa modified working hours

Handa na ang ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila na i-adopt ang bagong working…

1 hour ago