Bangkay ng isang lalaking nakuhang pugot ang ulo sa Legazpi City, hindi pa rin nakikilala

LEGAZPI CITY – Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala ang bangkay ng isang lalaking nakuhang pugot ang ulo noong isang linggo sa Purok 9, Brgy. Bogña, Legazpi City.

Kwento ni Robert Vergara, residente ng Purok 8, Bogña, Legazpi City, na siyang nakadiskubre ng nasabing bangkay, pasado alas dos ng hapon noong Mayo 5 nang maisipan niyang manguha ng dahon na ipangbabalot para sa kakanin, ngunit laking gulat niya nang matagpuan ang isang bangkay na walang ulo sa isang madamong lugar.

Agad naman niyang tinawag ang barangay kagawad at kapitan na mabilis ding rumesponde at nagpatawag ng pulis kasama na ang SOCO.

Sa ngayon ay patuloy pa rin na iniimbestigahan ang kaso upang matukoy ang pagkakakilanlan ng nasabing bangkay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *