Human Interest

Bangkay ng isang matandang babae sa China, biglang bumangon mula sa kanyang kabaong

GULAT AT TAKOT ang naramdaman ng mga dumalo sa burol ng isang matandang babae sa Lianjjang China na si Peng Xiuhua, 101 years old dahil sa bigla na lamang umano nitong pagbangon mula sa kabaong na kanyang kinararatayan.

Si Peng ay matagal nang namamalagi sa ospital makaraang ito ay madulas subalit makalipas ang sampung araw ay nagpasiya ang doctor na palabasin na ito mula sa ospital at sa bahay na ituloy ang pagpapagaling.

Ngunit ayon sa dalawa nitong anak nagulat na lamang sila nang matagpuan ang ina na naninigas na ang katawan, wala ng pulso at hindi na kumikilos.

Kaya minabuti na nilang ilagay sa kabaong ang bangkay ng kanilang ina sa tulong ng tinawagan nilang mga tao mula sa isang punerarya.

Ang mga susunod na pangyayare ay tila ba hindi kapani-paniwala, namutawi ang takot sa buong burol ni Peng dahil ang kanilang pinaglalamayan ay biglang bumangon mula sa kanyang kabaong.

Napatanong pa nga ito kung bakit marami ang tao na para bang wala lang nangyayare, kaya ang dalawang nitong anak ay ipinaliwanag ang lahat ng  detalye sa kanya.

Laking pasasalamat ni Peng na nagkaroon na agad siya ng malay bago siya dalhin sa crematorium at lubos din siyang natutuwa dahil sa pamamagitan ng nangyare napag-alaman nito na marami palang nagmamahal sa kanya.###CD

BNFM Bicol

Recent Posts

Transport Sector sa Naga City tutulong sa trapiko sa pagsalubong sa bagong Arsobispo ng Caceres

NAGA CITY – Pinulong ngayon ng Public Safety Office ang presidente at opisyales ng mga…

29 mins ago

SSS RACE campaign, prayoridad ang empleyado; hindi panggigipit sa mga employers

Nagsagawang muli ang SSS ng tinatawag na Run After Contribution Evaders o RACE noong Biyernes,…

42 mins ago

7 contribution evaders sa Naga City, inisyuhan ng written order ng SSS

NAGA CITY - Inisyuhan na ngayong araw ng written order ang pitong contribution evaders sa…

48 mins ago

Tubig, naging problema ng mga atleta ng Naga City sa unang araw ng Palarong Bicol sa Legaspi City

NAGA CITY – Naging problema din ng mga atleta ng Naga City na kalahok sa…

2 hours ago

MANIBELA – papasada pa rin sa kabila ng pagtatapos ng franchise consolidation

Idiniin ng grupong MANIBELA na kahit na paso na ang deadline para sa franchise consolidation…

2 hours ago

Inahang nanginabuhi og pagpayuhot og ilegal nga drugas, nasikop sa kapulisan

Nasakmitan og di mominus 10 ka gramos nga gituohang shabu ang usa ka inahan atol…

2 hours ago