Bangkay ng lalaking nakatali ang kamay, natagpuan sa Malvar, Batangas

Inaalam na ngayon ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng bangkay ng lalaki na natagpuan sa gilid ng daan sa KM. 72 southbound, Brgy, Bulihan, Malvar, Batangas.

Ayon sa Malvar Municipal Police Station, natagpuan ang bangkay na nakatali ang kamay sa likod at may busal ang bibig ng t-shirt , bandang alas-9 ng umaga noong Martes, Agosto 9, 2022.

Suot nito ang kulay asul na t-shirt na may nakasulat na “Blue Wolves”, maroon Nike na pantalon at kulay dilaw na tsinelas.

Tinatayang nasa 35-anyos ang edad nito at may taas na 5’3.

Isinailalim na sa otopsiya ang bangkay ng biktima.

Iniimbestigahan na rin kung sino o anong grupo ang nasa likod ng pagpatay sa biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *