Bangkay ng tao, natagpuan sa kwarto ng isang hotel guest sa Tibet

ANONG magiging reaksiyon mo, kung sakaling mayroon nang naunang natulog sa hotel room na pinag check-inan mo? Hindi lamang iyan, paano kung ito ay napakabaho, dahil sa ito ay natutulog nang mahimbing at hindi na magigising kailanman.

Iyan ang kagimbal-gimbal na pangyayari kay Mr. Zhang kamakailan sa Lhasa, Tibet kung saan isang naaagnas na bangkay ang natagpuan sa ilalim ng kama kung saan siya naka checked in.

Noong una inakala nito na ang kaniyang mga paa ang umaalingasaw o ang restaurant na nasa ibaba.

Dahil sa hindi niya natiis ang napaka sang-sang na amoy, nakiusap siya sa staff ng hotel na ilipat siya ng kwarto.

Kalaunan, nadiskubre ng hotel staff na isang bangkay ang nasa ilalim ng kama ni Mr. Zhang na agad namang ipinaalam sakanya bago ito kinunan ng DNA sample para sa isinagawang imbestigasyon.

Ang araw na ito ay hindi niya umano malilimutan sa kaniyang buhay, ‘pagkat sino ba naman ang gugustuhin na manatili sa isang kwarto na mayroon ding ibang natutulog at ang mahirap isipin, ito ay isang bangkay. |WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *