Bantag, makikipag-collaborate kay Zulueta para sabay na depensahan ang kinahaharap na murder case

Makikipag-collaborate umano si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag sa kanyang right-hand man na si BuCor Deputy Security Officer Ricardo Zulueta para sabay na depensahan ang kanilang murder case kaugnay sa pagkamatay ng broadcaster na si Percival Mabasa o si Percy Lapid.

Ayon sa abogado ni Bantag na si Atty. Rocky Balisong, makikipag-ugnayan siya upang depensahan at itanggi na wala silang kinalaman sa pagpatay sa naturang brodkaster.

Nabatid na noong Lunes, sinabi naman ni Atty. Lauro Gacayan, ang abogado ni Zulueta, na inihahanda na ng kanyang kliyente kung paano tutugon sa naturang complaint.

Samantala, sa mosyon naman ni Bantag na nagnanais ipalipat sa Office of the Ombudsman mula sa Department of Justice ang imbestigasyon sa naturang kaso, sinabi ni Balisong na nakapag-file na rin si Bantag ng tugon dito noong Miyerkules.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *