Bantag, nagpahayag ng kahandaang sumuko, ayon kay Justice Sec. Remulla

Nagpahayag ng kahandaang sumuko si dating Bureau of Corrections  chief Gerald Bantag, ang umano’y utak sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na sinabi sa kanya ng isang kasamahan na halos lima hanggang anim na araw na ang nakalilipas nang tawagan siya ni Bantag.

Ito rin aniya ang dahil kaya itinutulak nilang madaliin ang proseso sa pagpaatupad ng warrant of arrest kay Bantag.

Nang matanong kung gusto ring sumuko ni dating BuCor deputy officer Ricardo Zulueta, sinabi ng Justice secretary na si Bantag lang ang tumawag.

Kapwa may warrant of arrest ang dalawa kaugnay sa kasong pagpatay sa kay Lapid.

Giit ni Remulla, nasa bansa pa ang dalawa at paniguradong mahahanap sila.

Wala namang ibinigay na deadline sa NBI at iba pang law enforcement agencies para matugis ang dalawa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *