Bantag, pinaaalis ang DOJ sa imbestigasyon ng Lapid-Villamor slay case

Nanindigan si suspended Bureau of Corrections director general Gerald Bantag na hindi ito umiiwas at nagtatago.

Ito ang kanyang sinabi nang humarap siya sa preliminary investigation ng Department of Justice para sa mga murder complaints na inihain laban sa kanya para sa pagkamatay ng brodkaster na si Percy Lapid.

Sa kabila nito, na-suspinde naman ang pagdinig matapos niyang maghain ng motion for inhibition.

Sa ilalim niyan, pinai-inhibit ang DOJ sa mga reklamong pagpatay kina Lapid at sinasabing middleman na si Jun Villamor.

Paliwanag ng abugado ni Bantag na si Atty. Rocky Balisong, Ombudsman at hindi DOJ ang dapat dumidinig sa kanyang kaso.

Anila, isang public official si Bantag na may salary grade 30 kaya Anti-Graft Court na Sandiganbayan ang didinig dito at Ombudsman ang mag-iimbestiga.

Nanindigan naman ang kapatid ni Lapid na si Roy Mabasa na tututulan nila ang mosyon ng kampo ni Bantag.

Ayon kay Senior Asst. State Prosecutor Charlie Guhit, binigyan ng pitong araw ang DOJ panel para magkumento sa bagong mosyon ng BuCOr chief.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *