‘Bantang aresto ng pangulo sa mga tatangging magpabakuna, born out of passion’- DOH

Binigyang diin ng Department of Health (DOH) na requirement ang free, prior at informed consent para sa COVID-19 vaccination. 

Ginawa ni Health Undersecretary Myrna Cabotahe ang pahayag matapos ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaaaresto ang mga taong tatangging magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Cabotaje, born out of passion lamang ang pahayag ng pangulo sa pagnanais na maprotektahan ang mga Pilipino laban sa virus.

Aniya, sinabi naman na noon ng pangulo na nais nito ng ligtas at epektibong bakuna para sa mga Pilipino. 

Mababatid na sa ngayon, mahigit 6.2 milyong Pilipino na ang nababakunahan laban sa COVID-19 as of June 20. 

Lumabas sa Social Weather Stations (SWS) survey na 35 percent ng mga Pilipino ang di pa rin sigurado kung magpapaturok ng COVID-19 vaccine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *