Bantay Bigas – PBBM, dapat nang mag-resign bilang Agri Chief

Nananawagan ang isang grupo na dapat magbitiw na bilang Agriculture Secretary si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ayon kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, napapanahon nang magtalaga si Pangulong Marcos ng kalihim sa sektor ng Agrikultura.

Bukod dito, dapat na rin aniya ibasura ang RA 11203 o Rice Liberalization Law dahil nangunguna na ang bansa bilang top importer ng bigas.

Matatandaang birthday wish ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa ika-66 na kaarawan ni Pangulong Marcos ang pag-alis ng Chief Executive sa Department of Agriculture.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *