CAMARINES NORTE- Nakatakdang dumalo sa lalawigan ng Camarines Norte ang ilang kilalang personalidad sa telebisyon maging ang mga sikat sa social media flatforms.
Ito ay kaugnay sa kasalukuyang ginaganap sa lalawigan na ika-19 na Bantayog Festival at ika-103 anibersaryo ng pagkakatatag ng Camarines Norte
Kabilang sa mga nakatakdang dumalo ay ang aktor na si Toni Labrusca, singer, host at comedian na si Jewel at Ayee, Model, singer at performer na si Kim, Nathalie, at Angel. Kasama rin dyan ang mga Tiktok heartthrob na si Jherald, Vincent, RJ, at si Matthew.
Free admission ang gaganaping Variety show at magaganap alas siete ng gabi sa darating na ika-2 ng Mayo taong kasalukuyan sa Provincial Capitol Grounds.
