CAMARINES NORTE- Isasagawa ngayong araw 1:00 ng hapon, April 24 ang Bantayog Film Festival Premiere Show sa Central Piaza Mall Atrium
Ito ay ang ikalawang taon ng nasabing Film Festival kung saan ngayong taon ay nilahukan ng 200 filmmakers, 25 productions, at 20 Film entries.
Ngunit matapos ang isinagawang screening, 10 Pelikula lang ang nabilang sa Finalists na kinabibilangan ng Tilamsik, Lublob, Habak Ng Mga Manide, Mahikabod, Kabodera, Ikit, Deadline, Parola, Sakat, ang pelikulang Ayokona.
Ang mga lumahok sa nasabing Film Festival ay mula sa ibat-ibang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte.
