Banuyo ES sa Pilar, nakatanggap ng “School in a Bag Kit” mula sa development partners ng DepEd-Bicol

Isa sa 30 ‘last-mile schools ang Banuyo Elementary School sa Pilar, Sorsogon na nakatanggap ng “School in a Bag Kit’’ na kasama sa mga donasyon ng mga development partner ng DepEd-Bicol na may kabuuang halaga na P3.9M.      

Ayon kay DepEd-Bicol information officer Mayflor Jumamil, bawat set ay binubuo ng isang laptop, 10 Samsung Galaxy tablets na naglalaman ng mga smart apps, leraning contetnts mula sa ABC+, Kotobe app at isang smart LTE pocket wifi na may P500.00 na load.

Paliwanag ni Jumamil, ang ‘last mile school’ ay mga paaralan na may mababa pa sa apat na silid-aralan, gawa sa isang makeshift lamang at nonstandard ang mga classrooms, walang kuryente, walang pondo para sa pagkukumpuni sa nakalipas na apat na taon, at ang travel distance ay aabutin ng mahigit isang oras ang layo mula sa sentro.

Ang “School in a Bag Kit” ay ibinigay ng US Agency for International Development Advancing Basic Education in the Phils. (USAID ABC+), Research Triangle Institute (RTI) International, PLDT Smart Foundation at ang Phil Business for Social Progress (PBSP).

Ang proyekto ay naglalayon na ipatupad ang dynamic learning program ng DepEd sa mga paaralan, pagpapabuti ng bokabularyo ng mga mag-aaral, pag-unawa at iba pang cognitive, affective at behavioral skills at ang pagtaas ng motibasyon ng mga mag-aaral sa pag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *