BAPA Alobo sa Daraga Albay direkta na ang koneksyon sa APEC

LEGAZPI CITY – Kakatapos lang maisagawa ang Energization ng Barangay Power Association (BAPA) patungong Albay Power and Energy Corporation (APEC) sa Barangay Alobo bayan ng Daraga Albay.

Ayon kay Marites Magnata, kapitan ng Barangay Alobo, sumang ayon ang lahat na residente o household na mailipat ang kanilang direct connection sa korporasyon dahil sa nadadamay ang ilang mga residente na updated na nagbabayad sa bill ng kuryente.

May iilan umanong residente ang hindi marunong magbayad ng bill dahil sa kahirapan ng buhay.

Umabot kasi sa P520K ang kabuuhang utang ng BAPA sa korporasyon nitong nakaraang taon.

Sinabi rin nito masakit sa loob ng mga ilang residente na mayroong pang babayaran ng mahigit P300K lamang ang kanilang utang kung saan ay paghati hatian ito ng residente at unti unti ng babayaran sa loob ng isang taon.

Ayon naman kay Apolinario Alvarez ang Chief Operation Officer (COO) ng APEC, nananawagan ito sa mga residente na kung maaari ay huwag ng makisabay sa mga hindi marunong magbayad upang hindi rin maputulan ng kuryente.

Kung maaari aniya ay agad na magbayad ng bill ng kuryente at huwag ng palakihin pa ang pagkakautang ng bill sa kuryente upang hindi magkaroon ng problema ang isang consumers.

Dumalo rin sa pag energized ng kuryente sa Alobo ang Gobernador ng Albay na si Al Francis Bichara na isa rin ito sa naging programa o proyekto na gawing directconnection ang mga BAPA sa Apec.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *