Baragatan Festival sa Palawan, nais na ipagdiwang sa mga munisipyo

Ipapanukala ni Board Member Winston Arzaga na ilipat sa Disyembre ang selebrasyon ng Baragatan Festival sa Palawan na isinisilebra taon-taon sa buwan ng Hunyo kaugnay sa anibersaryo ng pagkakatatag ng Gobyerno Sibil ng lalawigan.

Ayon sa lokal na mambabatas, hindi na akma ngayong panahon kung sa darating na Hunyo ito ganapin at hindi na rin umano akma kung sa Puerto Princesa pa ito ipagdiwang.

Aniya, nais nyang ipagdiwang ang Baragatan sa buwan ng Disyembre dahil sa ilang dahilan.

Paliwanag niya, hindi ito napapanahong ipagdiwang sa Hunyo dahil sa matinding init ng panahon, ‘hirap ng buhay ng kababayan, idagdag pa ang mataas na bilihin at ginastos ng mga munisipyo tulad ng Provincial meet 2023.

Samantala, ang panukalang ito ay isa nang resolusyon na nakatakdang talakayin sa Committee meeting bukas, May 9, 2023 kasama ang mga proponent ng Baragatan Festival sa gusaling kapitolyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *