Na-diagnose na may Stage 3 colon cancer ang Barangay Ginebra star na si LA Tenorio
Sa nilabas na statement ni Tenorio, sinabi niya na sumailalim na siya sa gamutan kung saan inoperahan siya noong nagdaang linggo.

Aniya, ginawa niya ang lahat para mapanatiling malusog ang kanyang pangangatawan ngunit hindi na niya kontrolado ang pagkakaroon ng seryosong karamdaman.
Sa kabila ng kanyang sakit, pinawi ni Tenorio ang pag-aalala ng kanyang mga fan dahil hindi pa naman daw siya magreretiro sa PBA.//CA