Barangay Health Workers Accreditation, Benefits and Incentives Ordinance inihain sa Sangguniang Bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Inihain sa Sangguniang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte ang isang panukalang ordinansa na mag- a-accredit at magkakaloob ng benepisyo at insentibo sa mga Barangay Health Workers.

Sa ilalim ng ordinansa na iniakda ni Councilor Colen Ibasco, para makatanggap ng benepisyo at insenstibo kailangang nakarehistro ang BHW sa Local Health Board.

Kailangan namang tiyakin ng Local Health Board na ang total number of registered BHWs ay hindi lalagpas sa isang porsiento ng kabuuang populasyon ng bayan.

Para ma- qualify sa registration ang isang BHW ay dapat makakumpleto ng basic training course ng Department of Health o katumbas na training na nakuha sa accredited government agency o NGO.

Kinakailangan din na at least 18 anyos sa petsa ng filing of application for registration, nakapag- render ng voluntary primary health care services ng kahit man lang isang taon at mentally and physically fit.

Ang accredited BHW na aktibo at regular na ginagawa ang kanilang trabaho ay may karapatang tumanggap ng buwanang allowance, subsistence allowance at hazard allowance.

Mayroon din itong matatanggap na Year End Incentive ng hindi bababa sa P1, 000 mula sa munisipyo na dapat maibigay nang hindi lalagpas ng December 15 kada taon.

Ang matatanggap na insentibo ay depende sa length of service ng isang accredited BHW.

Makakatanggap din ng gratuity pay incentive ang accredited BHW bilang pagkilala sa mga taon ng kanilang pagseserbisyo.

Bukod sa mga nabanggit ay may karapatan ding tumanggap ang BHW ng Burial assistance, Medical and Dental Benefits, Training Education and Career Enrichment Programs, One Child scholarship, Free Legal assistance at Preferential  access loan facilities of government lending institutions.

Ang naturang panukalang ordinansa ay nakalusot na sa komite at inaasahang maaprobahan sa ikalawang pagbasa ngayong linggong ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *