Barangay Kinudalan, binulabog ng mga putok kagabi!

BINULABOG ng maiingay na putok ng baril ang mapayapang gabi ng Barangay Kinudalan, Lebak, Sultan Kudarat Alas-Otso ng gabi Hunyo 26, 2024.

Ayon sa panayam ng BNFM-Lebak kay Nilo Kampang, Kapitan ng Barangay Kinudalan, aniya mahigit isang daang putok ng baril ang umalingawngaw sa naturang barangay.

Sa detalyeng isinaysay ng kapitan aniya, bandang Alas-Otso ng gabi ng may marinig silang putok sa dalampasigan, at agad binigyang responde naman niya kasama ang mga BPAT.

Dagdag pa niya nasa tatlong bangka o pump boat nakasakay ang mga di pa nakikilalang mga kalalakihan, animnapung kilometro lamang ang layo mula sa dalampasigan.

Kaya nagpa-abot ng mensahe ang kapitan sa lahat na kung sino man ang may kagagawan ng pagpapaputok ay maaaring itigil na, dahil maraming nadadamay sa gulo.

Samantala, sa magkahiwalay na panayam ng BNFM-Lebak kay PLt. Jasper Garcia ng Lebak-MPS aniya, sa kanilang paunang imbestigasyon ay wala namang nasugtan o nasaktan sa naturang putukan.

Dahil ang mga tama raw ng mga bala ay sa mga punong kahoy. Dagdag pa niya, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pamamagitan ng pagdala ng mga pulis sa lugar at para makakalap pa ng mga impormasyon sa naturang lugar.

Nanawagan ito sa lahat na maging vigilant at maging mahinahon sa lahat ng pahanon.

Kung sakali man na may kahina-hinalang galaw o aktibidad sa lugar, maaaring ipagbigay alam lamang ito sa kanilang opisina, wika nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *