Barangay Maroroy ng Daraga, Albay nagsagawa ng limang araw na massive information education and communication tungkol sa proper waste management- MENRO LGU DARAGA

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Local Government Unit (LGU) Daraga na patuloy pa ang ginagawang pag-iikot ng mga barangay council ng Barangay Maroroy at mga tauhan ng Menro para proper waste management.

Ayon sa nasabing opisina, limang araw ang Massive Information, Education and Communication (IEC) sa nabanggit na barangay upang mapalalim ang pag-unawa, palakasin ang kaalaman at bigyang-diin ang kahalagahan ng waste management program Pinangunahan ng nabanggit na opisina ni Engr. Jeressa Dejucos, ang head ng MENRO kasama at mga field staff sa pakikipag-ugnayan sa Barangay ang  Maroroy Council.

Ang nasabing aktbidad ay iikotin ng mga ito ang pitong (7) Purok ng barangay na kinabibilangan ng residential & commercial areas.

 Ang aktibidad nito ay naglalayong paigtingin ang pagsunod sa wastong pamamahala ng basura sa loob ng iba’t ibang sektor ng barangay.

Bukod dito, ang mga teknikal na payo para sa mga residente at mga establisyimento na nakararanas ng mga problema at kahirapan sa pagpapatupad ng programa ay ibinigay din upang mapagaan at matugunan ang mga naturang isyu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *