Barangay may malaking papel  sa paglaban kontra Covid-19 – City LGU

SORSOGON CITY – Naniniwala si City Vice Mayor Eric Dioneda na ang tunay na laban kontra Covid-19 ay nakasalalay sa mga barangay.

Sa pahayag ng opisyal sa Brigada News FM-Sorsogon, sinabi nito na ito umano ang dahilan kung bakit hindi dapat na magsawa ang mga kinauukulan sa patuloy na pagpapaalala hinggil sa kahalagahan ng pagsunod sa mga health protocol partikular na ang mandatory na pagsusuot ng facemask at faceshield, gayundin ang pag-implementa ng mga polisiya na makatutulong upang maipatupad ang mga ito.

Aniya, kahit kasi alam na umano ng publiko ang importansya ng pagsunod sa mimimum health standard ay mayroon pa ring mga residente na sumusuway at patuloy itong binabalewala.

Matatandaan na upang mapigilan ang pagsipa pa ng bilang ng mga nagpopositibo sa Covid-19 ay binigyan na ng city government ng awtorisasyon ang mga namumuno sa barangay na isyuhan ng citation ticket ang kanilang mga residenteng patuloy pa ring pasaway at hindi sumusunod sa health protocol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *