Barangay Miti a Bayan ng Camalig, tinanghal bilang top 2 Barangay sa buong Bicol Region

LEGAZPI CITY -Inilunsad ng Department of Environment & Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR-EMB), ang pagbibigay ng parangal mula sa Barangay na resulta ng kanilang aktibong pakikiisa sa zero-waste segregation practices at iba pang Economically viable zero waste compliance sa RA 9003 o kilala bilang ” Ecological Solid Waste Management Act of 2002.

Tinanghal kamakailan ang Barangay Miti ng Camalig Albay bilang top 2 barangay mula sa 3,471 barangay sa buong Bicol Region sa Search for Outstanding Practices of Barangay Materials Recovery Facility (MRF) Operations, Proxy Hotel sa lungsod ng Legazpi.

Kabilang sa mga flagship initiatives ng Miti ang pag-install ng anim (6) na MRF units, regular na mobilisasyon ng eco-aides, quarterly purok meetings patungkol sa tamang segregation at recycling, “Basura Palit Bigas” program, “ESKul Supplies Kapalit ng Plastic Bottles Mo” project, pag-compost ng mga nabubulok na basura, at ang pagtatayo ng Barangay Solid Waste Management (BSWM) Kiosk – Bilang top 2 barangay sa Bicol, ang Miti ay binigyan ng cash prize na nagkakahalaga ng Php75,000 –

Ang mga barangay ay naglalaan ng nararapat na natanggap na halaga sa pagpapabuti ng kasalukuyang mga pinakamahusay na kasanayan at pagbabalangkas ng karagdagang solid waste management-related interventions sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published.