Barangay Ned, kwalipikadong maging munisipyo – Gov. Tamayo

KORONADAL CITY- KWALIPIKADO na maging isang munisipyo ang Barangay Ned, Lake Sebu.

Ito ang inihayag ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr sa gitna ng mga lumalabas na impormasyon na planong gawing isang bayan ang naturang barangay.

Ayon sa gobernador na pasok sa mga qualifications upang maging isang munisipyo ang Ned, partikular na ang land area nito, populasyon at local income lalo’t maraming mga negosyo na nag-ooperate dito.

Naniniwala din sa Tamayo na dahil sa malaking potential ng Ned sa coal mining, isa na namang daan ang itatayo dito na kokonekta sa Barangay Ned at bayan ng Maitum, Saranggani province. Ito ay isang private highway na lalagyan ng toll gate.

Samantala, pinasiguro naman ng gobernador na ibabalik ni Ramon Ang ang nasa 1,700 hectares na lupa na sakop ng coal mining operation oras na matapos na ang operasyon nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *