Barangay sa Tupi, pilot site ng UHC implementation

KORONADAL CITY- MAGIGING pilot area ng implementasyon ng Universal Health Care o UHC sa probinsya ng South Cotabato ang Barangay Kalkam sa bayan ng Tupi.

Kamakailan lamang, nagsagawa na ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) ng data gathering ng electronic medical records ng lahat na mga residente sa naturang lugar.

Ayon kay Governor Reynaldo Tamayo Jr na bago matapos ang 2022, inaasahan na mailalatag at maisasaayos na ang proseso ng UHC at ito ay maipatutupad na sa 199 barangays sa taong 2023.

Samantala, bumisita na rin ang mga miyembro ng Technical Working Group at Local Finance Committee ng provincial government sa mga apex hospitals ng Cotabato Regional Medical Center, Davao Regional Medical Center at Southern Philippines Medical Center.

Sa naturang aktibidad, pinag-usapan ng mga ito ang possible partnership sa mga identified healthcare providers sa implementasyon ng UHC.

Partikular na tinalakay ng mga ito ang may kaugnayan sa referral protocol, available services, type of contracting agreements, at protocol para sa lateral residency training.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *