Barangay Tanod na dumalaw sa kapatid nitong nakapiit sa NCPO, nakuhanan ng shabu

NAGA CITY – Aabot sa 27 gramo ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska sa isang Barangay Tanod matapos na tangkain nitong dalhan ang nakapiit nitong kapatid at pinsan na nahuli sa inilunsad na Anti-illegal Drug Operation nang nakaraang linggo.

Kinilala ang Tanod na si Henjie Tesorero y Clarin, 46-anyos ng Barangay PeΓ±afrancia, Naga City.

Ayon sa ulat, 2:50 ng hapon ng magpunta ito sa Police Station 3 upang dalawin ang kapatid at pinsan nito na nakapiit. Dala nito ang isang Plastic Bag na naglalaman ng mga damit at ilang pagkain.

Nang suriin ang dala nito, nakuha dito ang 4 na pakete laman ang hinihinalang shabu na naka-ipit sa isang damit.

Tinatayang nasa P183K ang halaga ng nabawing illegal na droga na dala ng Barangay Tanod.

Mahaharap din sa paglabag sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga ang Tanod na si Tesorero at makakasama na nito sa loob ng kulungan ang kapatid at pinsan nito.

Samantala, kaugnay ng nangyaring insidente mas tutok ang mga personahe ngayon sa mga dalaw at mga dala nito upang maiwasan na makalusot ang anumang ipinagbabawal sa loob ng piitan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *