Barangay tanod na nagresponde sa insidente nang-abuso ng dalagita nasaksak; suspek tumalon pa sa ilog

NAGA CITY- Sugatan ang isang barangay tanod matapos na saksakin ng suspek na nang-abuso ng dalagita sa Naga City.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PSMS Toby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office, sinabi nito na nangyari ang insidente pasado alas-8 ng Huwebes ng gabi sa Barangay Dinaga.

Lumabas na imbestigasyon na galing sa Panganiban Drive ang biktimang si Noel Ravanilla dahil nagpakarga ng gas, pagdating sa Barangay Lerma nakita nito ang kapwa tanod na may hinahabol, tinulungan nito sa pagpaghahabol sa inakalang umano’y nang hold-up.

Bumunot ng patalim ang suspek na si Janel Delloro 26-anyos, construction worker na residente ng Barangay Mabolo, sinaksak si Ravanilla at tinamaan sa balikat. Tuloy sa pagtakas ang suspek at tumalon sa ilog at nagtago sa bangka, na corner ito ng mga residente at otoridad na rumisponde sa pangyayari.

Habang nasa himpilan ng pulisya, nakatikim ng sampal ang suspek mula sa ina ng 16-anyos na dalagita, nanggagalaiti sa galit dahil hinawakan ang pribadong parte ng dalagita.

Mahaharap na ito sa kaukulang kaso na Physical Injurie o Frustrated Homicide at Act of Lasciviousness.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *