Barbero, arestado dahil sa 6 na bilang ng kasong rape at 2 bilang ng kasong VAWC sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Arestao na ng mga otoridad ang isang barbero dahil sa kasong may kinalaman sa panggagahasa at violence against women and children sa Brgy. Tagas, Daraga, Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Moymoy”, 28 anyos, binata at residente ng P-3, Brgy. Malabog ng nasabing bayan.

Ayon sa report, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa mga kasong 6 na bilang ng kasong rape na walang piyansa; at 2 bilang naman ng kasong violence against women and children na may piyansang PHP72,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ayon sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD), dumulog sa himpilan ng pulisya ang live-in partner ng suspek upang isumbong ang ginawang pamimilit o pagpwersa sa kanyang makipagtalik.

Dahil dito, unang isinampa ng WCPD ang kasong VAWC laban sa suspek, subalit pagdating naman sa piskalya, batay sa pag-aaral nito, idinagdag ang kasong panggagahasa na may 6 na bilang.

Sa ngayon, mananatili sa kostudiya ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *