Barbero dakip sa drug buy-bust matapos bentahan ang isang PDEA agent sa Masbate

SORSOGON CITY—Kalaboso ang isang barbero matapos itong masakote sa drug buy bust operation ng PDEA at PNP sa Purok 1, Barangay Pasig, Claveria, Masbate

Kinilala ang suspek na si Gregorio Añonuevo Necesario, Jr. alyas ‘Buranday’.

Nadakip ito ng pinagsanib na elemento ng Claveria MPS, PDEA Masbate Provincial Office at Masbate RPDEU matapos na pagbentahan ng hinihinalang shabu ang isang PDEA undercover agent na may tinatayang bigat na sampong gramo at nagkakahalaga ng 70,000 pesos.

Sa karagdagang pagsisiyasat may apat pang sachet ng hinihinalang shabu ang narekober sa suspek na tinatayang may street value na 300,000 pesos.

Si Necesario ay mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, parehong  non-bailable offense base sa dami ng nakumpiskang iligal na droga.#

Leave a Reply

Your email address will not be published.