Baril, bala at granada, narekober sa bahay ng miyembro ng Militia ng Bayan

SORSOGON CITY – Arestado ang 57-anyos na magsasaka dahil sa pag-iingat nito ng hindi lisensyadong baril, bala at hand grenade sa loob ng kanyang bahay sa Purok 3, Brgy Dita sa bayan ng Gubat, Sorsogon.

Kinilala ang suspek na Crispin Diesta Espenida, biyudo, at naninirahan sa nasabing lugar, umano’y miyembro ng Militia ng Bayan (MB).

Sa bisa ng isang search warrant ay sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Gubat Police sa pamumuno ni PMaj Jose Arnel Geronga, PNP-Sorsogon at Miltary units ang bahay ni Espineda.

Narekober mula sa suspek ang isang kalibre .45 na pistola, 6 na bala para sa naturang baril at isang hand grenade.

Nahaharap na ang suspek sa magkapatong na kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9516 kaugnay ng ilegal na pagmamay-ari ng pampasabog.

PHOTOS exclusive for Brigada News FM-Sorsogon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *