Barko ng PN mula Subic Port katuwang ng DSWD sa paghahatid ng relief goods

Dumating nakalipas na Sabado sa Iligan Pier, Lanao Del Norte ang isang barko ng Philippine Navy na may dalang 358 tonelada ng mga relief goods mula sa Subic Port.

Ito ay para umano sa mga nabiktima ng pagbaha sa Eastern Mindanao dahil sa mga nakalipas na shear lines.

Ang Philippine Navy ang isa sa mga katuwang ng Department of Social Welfare and Development at Office of Civil Defense sa paghahatid ng mga relief goods.

Ang mga ito ay naglalaman ng ffod packs, kitchen kits, hygiene kits, sleeping kits at tents.

Maliban dito ay mayroon pang ilang tonelada ng relief goods ang inihatid rin sa iba pang mga lugar.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO COURTESY: DSWD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *