Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay pangalawa sa fastest growing region sa bansa.
Base sa 2020-2021 na report ng PSA, nasa 7.5% ang itinaas ng economic performance ng BARMM.
Kabilang sa highest growing industries doon ay ang Human Health at Social Work na tumaas sa 22%, 20.2% naman sa mining at quarrying habang nasa 17.9% ang Accommodation and Food Service Activities.
Samantala, sinabi ni PSA-BARMM Acting Regional Director Engineer Akan Tula na tanging ang BARMM lang nakalagpas sa pre-pandemic per capital gross regional domestic product (GRDP) at gross regional domestic expenditure (GRDE). || ARGIE ERGINA