Barriga, nakipagkita kay Gonzalez bago ang kanilang laban

Nakipagkita si Mark Antony Barriga kay WBO junior flyweight champion Jonathan ‘Bomba’ Gonzalez bago ang kanilang laban.

Ayon sa video na ipinost ni Barriga sa Facebook, na-excite umano siya matapos niyang makita ang belt na bitbit ng naturang kalaban.

Natawa naman siya ng biruin siya ni Gonzalez kung saan kumain ito ng isang kutsarang tsokolate sa harap niya.

Samantala, nakatakdang gawin ang laban sa Heritage Park sa Kissimmee ngayong darating na Biyernes.

(ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.