Basa Air Base na isang EDCA site, makakukuha ng $24-M airstrip extension at rehabilitation

Ipatutupad ang $24-million na halaga ng airstrip extension at rehabilitation project sa Basa Air Base sa Pampanga, na isa sa existing Enhanced Defense Cooperation Agreement sites sa bansa, kung saan sisimulan ang groundbreaking sa March 20.

Ayon kay US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, na ang airstrip extension ay isa sa pinakamalaki sa mga proyekto na nagkakahalaga sa mahigit $80 million sa Philippine military facilities na maaring maacess ng US forces sa ilalim ng defense agreement.

Maliban sa Basa Air Base sa Pampanga, ang iba pang original EDCA sites ay ang Antonio Bautista Air Base sa Palawan, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Lumbia Airport sa Cagayan de Oro, at ang Beniro Ebuen Air Base sa Mactan.

Matatandaan na noong Pebrero, inanunsyo ng Department of National Defense na target ng Pilipinas at US na magkaroon ng apat pang karagdagang sites na magpapahintulot sa mas maraming suporta para sa humanitarian at climate-related disasters sa Manila at tutugon sa iba pang shared challenges.
#

DFA chief, iginiit na ipagpapatuloy ng bansa ang pagprotekta sa sovereignty nang mapayapang paraan

Inihayag ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, na ipagpapatuloy ng bansa ang pagpo-protekta sa sovereignty, sovereign rights, at jurisdiction ng bansa ng mapayapa.

Ayon kay Manalo, kinakatigan ng Pilipinas at pinoprotektahan ang kanilang entitlements sa ilalim ng UNCLOS at ang 2016 Arbitral Award sa pamamagitan ng diplomasya, law enforcement, public diplomacy action at sa pamamagitan ng iba’t-ibang security at military arrangements.

Inihayag din nito an marami nang diplomatic protests na inihain ang gobyerno laban sa ibang mga bansa kaugnay sa mga pagbabanta o infringe sa sovereignty, sovereign rights, at jurisdiction ng bansa sa West Philippine Sea.

Samantala, kinatigan din nito ang full implementation ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at sinabing ito ang “key pillar” ng Philippine-US alliance na sumusuporta sa combined training, exercises, at interoperability sa pagitan ng iba’t-ibang pwersa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *